"Ang Unang Paglalakbay ni Angie sa Iba't ibang lugar sa Pilipinas."


 Hi! Ako si Angilene P Cabactulan isang estudyante na pangarap ang lumakbay sa iba't ibang lugar. Mahilig talaga ako gumawa ng dokumentaryo sa mga magagandang pasiyalan na sikat sa isang bansa. Marami akong gusto na puntahan na iba't ibang lugar sa Pilipinas, Ang tanong may pera ba ako na panggastos? Ang sagot niyan ay, "Wala!". Ng nalaman ng aking tiya na si Ana na gusto kung pumunta sa iba't ibang lugar ay hinamon niya ako sa isang bagay na kinakailangan kung matamo, kinakailangan na ako ay makasali sa mga estudyante na may mga karangalan kaya nagpursige ako na matuto sa bawat leksyon hanggang nakamit ko ang aking  dahil nakapasok ako sa mga estudyante na may mga karangalan.

May 6, 2019

Nakapaghanda na ako sa mga kagamitan ko na dadalhin papuntang Luzon. Sabik na sabik na akong sumakay ng eroplano na mag-isa. Hindi ko na masukat ang aking nadarama na kasiyahan dahil ang pangarap kung lumakbay sa ibang lugar ay mangyayari na. Hinatid ako sa himpilan ng mga eroplano sa Dagohoy National Airport Davao, oras na upang magpaalam ako sa aking mga kapamilya.
Pagpasok ko sa loob ng Airport ay sinundan ko ang ruta na ginawa ng aking tiya upang hindi ako maligaw sa loob ng Airport, ako'y nangangamba sa loob dahil hindi ko kabisado ang mga transaksyon sa loob ng Airport mabuti nalang tinulungan ako ng isang binatang sekyu na napakagwapo siya ay mestizo,maputi at mabait. Pagkatapos niya akong tinulungan ay nasa window 11 na ako naghintay para sa eroplano na sasakyan ko sa himpapawid. Habang naghihintay sa eroplano ay nanginginig na ako dahil kaharap ko ang malaking aircon at ang aking Flight ay palaging bumalan ang aircraft sa himpapawid hanggang dahan dahang dumidilim ang langit



Nang dumating na ang eroplano na sasakyan ko ay daling dali akong umuna papunta doon sa eroplano ngunit bago ako umakyat sa eroplano ay nagkasalubong na naman ang aming landas sa sekyu na napakagwapo at kinamusta ako, mag ingat din sa flight ko at doon ang huli naming pagkikita ni Kuya Gwapitong Guard.



Lumipad na ako sa itaas at napakaganda talaga ng tanawin na nilikha ng Diyos. Nadaanan ko na ang Mindanao, Visayas, hanggang patungo na ako sa Luzon.
Ang aming eroplano ay nasa lupain ng himpilan ng eroplano sa Clark International Airport at doon nag-antay ang aking tiya na si Ana na masundo ako at tumungo sa baracks upang doon makapaghinga.




May 7,2019

Sa Fort Magsaysay, Santa Rosa ang unang lugar na aking napasyalan, napakaganda talaga sa loob ng Fort Magsaysay dahil maraming opisyales na sundalo dito na gusto ko rin sa paglaki ko, malinis ang lugar, organisado ang bawat daan, mga mababait na mga opisyales lalo na mayroong foreigner na sundalo na napakagwapo pati sa mga mata nila. Napakalawak talaga sa loob ng fort Magsaysay parang isang isang city na talaga siya.



May 8, 2019

Cabanatuan City sa mall ng SM, kumain kami sa pagkainan na Yaki Mix, sa Yaki Mix ay maraming mga iba't ibang barayti ng pagkain. Hindi ako masyadong nasarapan sa mga pagkain doon dahil bagohan ko lang na diskubre ang mga pagkain kaya masyado akong ignorante ngunit may isang pagkain na napasarapan ako at ito ay kulay pink na luya dahil gusto ko ito patago kung ibinalot ito ng selopen sa bag ko kahit ipinagbabawal ito.Nilibot namin ang SM mall ng Cabanatuan at ito'y napakaganda talaga na hindi ko makakalimutan.

May 9, 2019 

Luneta Park, Rizal Park

 kami ay pumunta sa Luneta park, ito  ay isang pasyalan sa Manila, makikita natin dito ang monumento ng ating Pambansang bayani na si Dr.Jose Rizal at makikita mo dito ang pinakamataas na Flag pole sa Luneta Park, makikita mo na may turismo na sumasakay sa Kalesa, habang nanonood ako sa taong sumasakay sa kalesa ay naaawa ako sa kabayo dahil mapayat ito at maliit. Habang nag iikot kame sa Luneta park sobrang init talaga at kami ay pawis na pawis na parang malatik na ang aming mga balat.


National Museum of National History

Tumungo naman kami sa museum , sobrang taas talaga ng pagkakagawa nito, maaari kang pumasok sa museum park sa kasamaang palad hindi ako nakapasok dahil sirado pala ang museum , nais ko sana malibot ang loob nito ngunit sirado.



Baluarte ni San Diego

Sa Baluarte ni San Diego ay nakakatakot, dahil sa tanda ng itsura nito. Tumaas ang balahibo ko sa nakakatakot na itsura ng mga pader, pumasok ako sa loob ng Baluarte hanggang dko na alam ang daan palabas at dahil sa tulong ng sekyo ay nakalabas ako sa Baluarte.




May 10, 2019



Enchanted Kingdom
Sunod na pasyalan ay sa Enchanted Kingdom, mahaba haba ang pila dahil sa dami ng mga tao, nang nalaman ko din ang babayarin ay napa bukas ang bibig ko dahil sa taas na presyo nito. Kaya pagpasok ko doon ay namangha ako at natakot dahil sa sobrang matataas na rides gaya ng roller coaster, anchors away at marami pang iba. At sa paglipas ang gabi ay may pa surpresa ang enchanted kingdom na fireworks at roon ay hindi ko yun makakalimutan na pangyayari.




May 11, 2019 


Una kung nasubukan ang sumakay sa MRT  o tren, talagang totoo pala na maraming tao ang sumisiksik para makasakay sa train at makaabot sa kanilang destinasyon.   Nang pagpasok ko sa tren ay talagang makakatapat ko pa ang gwapo na kuya sa harap ko! Tiyak na hindi ko makakalimutan ang hitsura na iyon dahil sino ba naman ang makakalimot sa mukhang hindi naman kalimot-limot. 
                                     
   



May 11. 2019 

Malabon Zoo


Balak sana naming ay doon sa Manila Zoo  pero ito ay sirado kaya napadpad kami sa Malabon zoo at doon maraming hayop ang aking nakita at natuklasan.
Masaya ako dahil nakahawak ako ng maliit na tigre at yun ang  pangyayari sa buhay ko na hindi ko makakalimutan, pero naaawa ako sa mga hayop doon dahil hindi nila matatamasa ang totoong buhay sa kagubatan kundi nagawa silang pangkabuhayan ng tao.




At lahat ng iyon ay ang aking unang paglalakbay sa ibat ibang lugar ng Pilipinas na hindi ko makakalimutan, gusto ko mang lumakbay pa sa ibang lugar kinakialangan ko munang magsikap sa pag aaral at mag ipon ng pera upang mapuntahan ko pa ang ibang lugar sa ibat ibang bansa ng daigdig.


Comments