"Ang Unang Paglalakbay ni Angie sa Iba't ibang lugar sa Pilipinas."
Hi! Ako si Angilene P Cabactulan isang estudyante na pangarap ang lumakbay sa iba't ibang lugar. Mahilig talaga ako gumawa ng dokumentaryo sa mga magagandang pasiyalan na sikat sa isang bansa. Marami akong gusto na puntahan na iba't ibang lugar sa Pilipinas, Ang tanong may pera ba ako na panggastos? Ang sagot niyan ay, "Wala!". Ng nalaman ng aking tiya na si Ana na gusto kung pumunta sa iba't ibang lugar ay hinamon niya ako sa isang bagay na kinakailangan kung matamo, kinakailangan na ako ay makasali sa mga estudyante na may mga karangalan kaya nagpursige ako na matuto sa bawat leksyon hanggang nakamit ko ang aking dahil nakapasok ako sa mga estudyante na may mga karangalan. May 6, 2019 Nakapaghanda na ako sa mga kagamitan ko na dadalhin papuntang Luzon. Sabik na sabik na akong sumakay ng eroplano na mag-isa. Hindi ko na masukat ang aking nadarama na kasiyahan dahil ang pangarap kung lumakbay sa ibang lugar ay mangyayari na. Hinatid ako sa himpilan ng mga eropl...